Ang kaalaman ay kapangyarihan.

Bagamat hindi ito garantiya ng proteksyon, ang pag-alam sa iyong karapatan ay ang unang hakbang para protektahan ang inyong sarili sa mga mapangsamantalang mga pagkakataon. Sa Hong Kong, ang pagkuha ng domestic workers ay nasasailalim sa regulasyon ng gobyerno. Ang kontrata para sa domestic worker ay kadalasang mabusisi ukol sa maraming aspeto ng trabaho, kagaya ng sahod, tirahan at ibang bagay ukol sa paninirahan ng domestic worker, benipisyong medical, lugar ng patatrabaho, ano ang saklaw ng trabaho, at iba pang detalye. Napakahalaga para sa mga dayuhang domestic workers sa Hong Kong na malaman nila ang kanilang mga na karapatun legal at responsibilidad. Ang unang hakbang ay ang pagbasa nang maiigi sa kontrata ng trabaho.  Ang employer at ang domestic worker ay parehong nasasaklawan ng kontrata at kung sino man sa dalawa ang hindi sumunod sa alinsunod ng kontrata ay maaring mapatawan ng pagbayad ng danyos o pinsala.

Ang Employment Ordinance (Chapter 57, Laws of Hong Kong) ay ang natatanging batas na namumuno at nauukol sa pagtratrabaho sa Hong Kong. Nasasaklaw nito ang maraming aspeto ng proteksyon sa pagtratrabaho at benipisyo ng empleyado. Ang Employment Ordinance ay nagpapataw ng pinakamaliit na karapatan at benepisyo para sa empleyado.

I-browse ang mga seksyon sa ibaba or i-download and kabuuang manual dito. 
 
 

Rights Manual Cover
Mula sa pagintindi ng inyong mga karapatan hanggang sa mga kadalasang sitwasyon, aming natalakay and mga kaalaman para proteksyunan ang inyong mga karapatan bilang isang dayuhang domestic worker sa Hong Kong.

Iba pang kaalaman para sa mga Domestic Workers

Unawain ang inyong Kontrata